Bumaba ang Foreign Currency Reserves ng Pilipinas noong Marso matapos magbayad ang national government ng ilang utang sa labas ng bansa sa naturang panahon.
Batay sa preliminary data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot lamang sa 106.2 billion dollars ang gross international reserves (GIR) noong ikatlong buwan kumpara sa 107.4 billion dollars noong Pebrero.
Ang GIR ay ang sukatan ng abilidad ng bansa na mabayaran ang import payments at service foreign debt.
Kabilang sa reserve assets ng central bank foreign investments, gold, foreign exchange, international monetary fund positions, at special drawing rights.