Bumagsak ng 48.82% ang gross borrowings ng national government noong Pebrero.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury, bumaba sa ₱339.55-B ang kabuuang inutang noong ikalawang buwan ng taon kumpara sa ₱663.42-B noong February 2024.
Mas mataas naman ito ng 59.31% kumpara sa ₱213.14-B na gross borrowings noong Enero.
Ayon sa Treasury, bumagsak ng 78.62% o sa ₱140.8-B ang domestic debt noong Pebrero mula sa ₱658.68-B na inutang sa loob ng bansa sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Lumobo naman sa ₱198.75-B ang gross external borrowings noong Pebrero mula sa ₱4.74-B noong ikalawang buwan ng 2024.