Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Pilipino na makipagtulungan sa kabataan sa pagkakamit ng “greener future” o malinis na hinaharap.
Sa mensahe para sa International Youth Day, kinilala ng Pangulo ang mahalagang papel ng kabataan sa pangunguna sa mga hakbang para sa pangangalaga ng ecology.
Sinabi rin ni Marcos na humuhugot siya ng inspirasyon sa kabataan na nagsisilbing “trailblazers” ng modernong panahon, at pag-asa ng hinaharap.
Tiniyak din ng Pangulo ang pakikiisa ng buong Pilipinas sa international community sa paggunita ng International Youth Day na may temang “Green Skills for Youth: Towards a Sustainable World.” –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News