Iaapela ng Comelec ang ruling ng Supreme Court na nagkaroon ng Grave Abuse of Discretion ang poll body nang I-disqualify nito ang Election Technology Provider na Smartmatic Philippines sa paglahok sa lahat ng public bidding at procurement processes na may kinalaman sa halalan.
Tiniyak naman ni Comelec Chairman George Garcia na walang epekto ang ruling ng Kataas-taasang Hukuman sa nalalapit na 2025 Midterm Election.
Binigyang diin ng Poll Chief na sa kabila ng SC Ruling, nananatiling intact ang integridad ng Comelec, dahil wala aniyang bahid ng anumang alegasyon o akusasyon ng katiwalian ang buong proseso na may kinalaman sa Procurement at Awarding ng kontrata sa Miru Systems ng South Korea, para sa gagamiting Vote-Counting Machines sa halalan sa susunod na taon.
Idinagdag ni Garcia na diniskwalipika nila ang Smartmatic bunsod ng integrity problems na may kaugnayan nakalipas na 2016 Elections.