dzme1530.ph

Grand victory parade ng Denver Nuggets, kasado na sa July 15

Kasado na ang grand victory parade ng Denver Nuggets makaraang magkampeon sa kauna-unahang pagkakataon sa NBA Finals.

Gaganapin ang kapana-panabik na parada sa Hunyo 15 kung saan base sa inilabas na detalye ng koponan ay magkakaroon muna ng pre-rally at susundan ng pagpapalabas ng mga highlight reel na kuha sa championship run.

Magdaraos din ang kuponan ng simpleng programa sa City of Denver upang bigyang-parangal ang kanilang mga manlalaro.

Isamama rin sa parada ang mga tropeo na napanalunan ng Nuggets ngayong taon, kasama na ang Bill Russel NBA Finals Most Valuable Player Award trophy, Oscar Robertson trophy, at ang Magic Johnson trophy.

Habang magiging highlights din ng aktibidad ang pagpapakita sa mga fan ng Larry O’brien Trophy na simbolo ng pagiging kampeon ng naturang koponan. —-sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author