dzme1530.ph

GRADUATES NG PRESIDENTIAL MERIT SCHOLARSHIP PROGRAM, INAASAHANG MAGKAKAROON NG KONTRIBUSYON SA NATION-BUILDING

Loading

Dalawang education-related bills ang pinagtibay ng Kamara sa 3rd and final reading kagabi.
 
Sinabi ni House Speaker Faustino Bojie Dy III na ang approval ng HB No. 8476 o Expanding Tertiary Education Subsidy at HB No. 8477 na nag-i-institutionalize sa Presidential Merit Scholarship Program o PMSP ay legasiya ng Pangulo at naglagay sa kanya bilang “Education President.”
 
Record-breaking din ang P1.345-trillion allocation sa education sector sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act o GAA na sa panahon lamang ni President Marcos Jr. nangyari.
 
Sa pamamagitan ng HB 8476, nakasisiguro na ang mahihirap na pamilya na gustong mag-aral sa private educational institution na matutupad ito dahil mas malawak na ang RA 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
 
Habang ang HB 8477 naman o PMSP ay lumikha ng national framework para suportahan ang mga academically outstanding senior high school graduates na makatutong sa kolehiyo.
 
Ang HB 8476 at HB 8477 ay kapwa bahagi ng administration’s priority bills sa ilalim ng LEDAC.

About The Author