Nilinaw ni Deputy Speaker Ronaldo Puno na hindi kasama si dating Sen. Grace Poe sa final deliberations ng 2025 national budget.
Kasunod ito ng naunang pahayag ni Puno na kabilang ang dating senador sa tatlong personalidad na sangkot sa final drafting ng budget.
Humingi rin ng paumanhin si Puno kay Poe sa harap ng publiko, nang matiyak na hindi siya pinayagang lumahok sa naturang diskusyon.
Magugunitang si Poe ang nagsilbing chairperson ng Senate Committee on Finance noong 19th Congress.