Ipinanawagan ng Grab Philippines na maaari nang makuha ng mga pasahero ang kanilang refund alinsunod sa direktiba ng Philippine Competition Commission (PCC).
Sinabi ng Grab na mayroon pang mga pasahero ang hindi pa nakakakuha ng kanilang tatlong taong rebate voucher.
Ipinadala na rin anila sa mga user ang anunsyo sa pamamagitan ng mga in-app notification, e-mail, at SMS, at nakapaskil na rin ito sa mga social media platform ng Grab.
Paalala ng Grab, mapapaso na sa July 18, 2023 ang naturang rebate at mapupunta na lamang sa Philippine National Treasury, batay na rin sa isang resoluyon ng PCC noong February 2, 2023. —sa panulat ni Jam Tarrayo