Ipinag-utos ng Malakanyang ang pag-awit sa Bagong Pilipinas Hymn at pagbigkas sa panata sa Bagong Pilipinas, sa flag ceremonies ng mga ahensya ng gobyerno.
Sa Memorandum Circular no. 52 na may lagda ni Executive Sec. Lucas Bersamin, inutusan ang lahat ng national gov’t agencies kabilang ang Gov’t-Owned or -Controlled Corp. at educational institutions tulad ng State Universities and Colleges, habang hinikayat din ang mga lokal na pamahalaan na isama ang Bagong Pilipinas Hymn at Pledge sa lingguhang flag raising ceremony tuwing Lunes ng umaga, at flag lowering ceremony kada Biyernes ng hapon.
Ito umano ay upang maitaguyod ang Bagong Pilipinas brand of governance at leadership sa mga Pilipino, tungo sa pagbabago sa lahat ng sektor ng lipunan at pamahalaan.
Inatasan din ang Presidential Communications Office na magpatupad ng mga hakbang upang maipalaganap ang Bagong Pilipinas Hymn at Pledge sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at sa publiko.
Ang buong bersyon ng Bagong Pilipinas Hymn at Pledge ay makikita rin sa Memorandum Circular no. 52 na epektibo na sa lalong madaling panahon.