dzme1530.ph

Government-to-Government Payment Scheme, iminungkahi ng DMW sa Saudi Arabia

Ipinanukala ni Migrant Workers Secretary Susan Ople sa Kingdom of Saudi Arabia ang Government-to-Government Payment Scheme para sa mas madaling pag-pagproseso ng P30-B unpaid wages at iba pang mga benepisyo ng nasa 10,000 overseas filipino workers (OFW) na nawalan ng trabaho makaraang mag-deklara ng bankruptcy ang ilang Arab construction companies noong 2016.

Ginawa ni Ople ang mungkahi kasunod ng high-level meeting kamakailan kasama ang Minister for Human Resources and Social Development ng Saudi na si Ahmad Bin Sulaiman Al-Rahji, tungkol sa claims ng mga OFW.

Sinabi ng kalihim na tiniyak naman sa kanila ng Saudi government na nasa Saudi Ministry of Finance na ang pera na ibabayad sa mga Pinoy workers.

Ipinaliwanag ni Ople na sa pamamagitan ng payment scheme na ito ay mas madali ang disbursement ng payments sa mga kaanak o tagapagmana ng OFW claimants na pumanaw na. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author