dzme1530.ph

Government flood control projects, iniinspeksyon na ng DPWH

Loading

Nagsagawa ng joint inspection si Department of Public Works and Highways (DPWH) Mimaropa Regional Director Engr. Gerald A. Pacanan, CESO III, kasama si Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor sa flood dike sa Bongabong, Oriental Mindoro.

Ayon kay Pacanan, isinasailalim na niya sa review ang lahat ng flood control projects sa kanyang nasasakupan upang makagawa ng komprehensibong report na isusumite sa DPWH national office, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tiniyak niya ang transparency, accountability at kalidad ng mga imprastraktura, at siniguro kay Governor Dolor na gagawin ng DPWH-Mimaropa ang lahat upang maging kapaki-pakinabang sa mamamayan ang kanilang mga proyekto.

Nanawagan din si Pacanan sa publiko na i-report sa official Facebook page ng DPWH-Mimaropa ang anumang kahina-hinalang substandard projects.

 

About The Author