dzme1530.ph

Gobyerno, tutugisin ang sindikatong nagpapadala ng mga Pinoy sa Laos para maging offshore gaming operators

Tutugusin ng Dep’t of Migrant Workers at Dep’t of Justice ang sindikatong nagpapadala ng mga Pilipino sa Lao People’s Democratic Republic upang mag-trabaho sa offshore gaming operations.

Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, sinabi sa kanya ni Philippine Ambassador to Laos Deena Joy Amatong na may napauwi na itong nasa 160 Pilipino na offshore gaming operators.

May mga naiwan pa umanong Pinoy offshore gaming workers doon na patuloy na tinutulungan ng gobyerno.

Kaugnay dito, isa-isa umanong kinukunan ng statement ang mga nasagip na pinoy upang matukoy ang kanilang recruiter.

Kaagad umano itong ie-endorso sa DOJ upang maisampa ang mga kaukulang reklamo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author