dzme1530.ph

Gobyerno, rumeresponde na sa libu-libong apektado ng Bagyong Egay

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tuloy-tuloy na pagkilos ng gobyerno upang rumesponde sa pinsala ng bagyong “Egay”.

Sa Twitter post, inihayag ng Pangulo na naka-deploy na ang search, rescue, at retrieval personnel mula sa Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard.

Sisiguruhin ding nasa maayos na kalagayan ang halos 39,000 na pamilyang apektado ng bagyo sa region 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, region 6, 7, at 12.

Nakahanda na rin umano ang P173-M na stand-by funds at food and non-food items.

Samantala, sinabi rin ng Pangulo na naibalik na ang suplay ng kuryente sa 93.53% ng mga apektadong munisipalidad.Matatandaang umabot hanggang sa super typhoon category ang bagyong Egay, ngunit ngayon ay nasa typhoon level na lamang ito ngunit patuloy na nagdadala ng malakas na pag-ulan at hangin sa malaking bahagi ng bansa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author