Pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilidad na mag-avail ng chartered flight para maiuwi ang mga Pilipino sa Middle East, sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon.
Sinabi ni Migrant Workers Usec. Felicita Bay, posibleng kumuha sila ng chartered flight kapag tumaas ang bilang ng mga Pinoy na nagpa-rehistro para bumalik sa Pilipinas.
Gayunman, kailangan pa rin aniya nilang i-konsidera ang restrictions sa airspace.
Bukod dito, idinagdag ni Bay na kailangan ding i-konsidera ang permit ng host country at iba pang mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy bago isakatuparan ang plano.
Sa pinakahuling datos mula sa Department of Migrant Workers, umakyat na sa 311 Filipinos sa Israel ang humiling na ma-repatriate.