dzme1530.ph

Gobyerno, planong umutang ng ₱735-B sa local creditors sa second quarter

Loading

Plano ng national government na umutang ng P735-B mula sa domestic market sa second quarter ng taon.

Ayon sa Bureau of Treasury, nais nilang kumalap ng P325-B mula sa treasury bills at P410-B sa pamamagitan ng treasury bonds simula sa Abril hanggang Hunyo.

Ang domestic borrowing plan para sa second quarter ay mas mataas ng 16.85% kumpara sa P629-billion program para sa first quarter.

Mas mataas din ito ng 3.23% mula sa P712-B na inutang simula Enero hanggang Marso.

About The Author