dzme1530.ph

GOBYERNO, PINAGHAHANDA NG PANGMATAGALANG SOLUSYON SA POSIBLENG PROBLEMA SA LANGIS

Loading

PINAGHAHANDA ni Senador Risa Hontiveros ang gobyerno ng long term measures sakaling magtagal ang tensyon sa Middle East. 

 

Partikular na tinukoy ni Hontiveros ang Department of Energy para sa paglalatag ng mga hakbangin upang matiyak na makakaagapay tayo sa posibilidad ng krisis sa langis. 

 

Sinabi ng senadora na bukod sa alert level system, dapat paghandaan ng gobyerno, hindi lamang ang repatriation kundi ang timely na pag-uwi sa mga Pinoy at ang matiyak na may tulong at suporta sa kanila pagdating dito sa bans. 

 

Patuloy naman ang dalangin ng senadora na matitigil na sa lalong madaling panahon ang putukan at magbabalik sa negosasyon ang Estados Unidos at Iran.

 

About The Author