dzme1530.ph

Gobyerno, pinabubuo ng proactive measures para sa disaster resiliency

Muling binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang kahalagahan ng pagsuporta sa mga programa para sa disaster resilience.

Sinabi ni Legarda na kailangang bumuo ng proactive measures upang mabawasan ang epekto ng mga kalamidad na patuloy na nananalasa sa bansa.

Ipinaalala ng senador na taun-taon ay mahigit 20 bagyo ang tumatama sa bansa bukod sa mga nararanasang lindol at pagputok ng bulkan.

At sa ngayon ay nahaharap ang bansa El Niño kaya’t patuloy ang kanyang panawagan sa mga lokal na pamahalaan na bumalangkas ng mga paraan para sa pagtitipid ng tubig.

Kasabay nito pinuri ni Legarda ang pagbuo ng administrasyon ng El Niño Mitigation Plan para mabawasan ang epekto nito. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author