dzme1530.ph

Gobyerno, pinaaksyon sa pagwasak ng China sa bahura sa bahagi ng West Philippine Sea 

Tiwala si Senate Committee on National Defense Chairman Jinggoy Estrada na agad kikilos ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kaugnay ng natuklasang pagwasak ng bahura o corals sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea.  

Aminado ang senador na seryoso at nakakabahala ang pangyayaring ito.  

Iginiit ni Estrada na dapat tiyakin ng pamahalaan, lalo na ang mga may mandato na magbigay proteksyon sa mga likas yaman ng bansa, na mapanagot ang mga responsable sa pinsalang ginawa sa ating karagatan.  

Nanawagan sin ang mambabatas sa mga responsableng awtoridad na itaas ang kamalayan tungkol sa maritime at archipelagic issues ng Pilipinas at itaguyod ang ating national soveriegnty at territorial integrity.  

Binigyang-diin ni Estrda na ang pangangalaga sa marine environment at coral reefs ay hindi lang isang responsibilidad kundi isa ring moral duty na natin sa susunod na henerasyon.  

Dapat anyang magtulungan ang lahat sa pangangalaga sa mga mahahalagang natural treasures, pagtataguyod ng sustainable practices at pagsusulong ng mapayapang resolusyon sa mga isyung banta sa ating ecosystem.  

Kailangan na rin anyang konsultahin ng Pilipinas ang ating mga kaalyadong bansa tungkol sa isyung ito. Gaya ng US, Australia, New Zealand at iba pang gustong tumulong sa Pilipinas maging ang mga bansang miyembro ng European Union. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News 

About The Author