dzme1530.ph

Gobyerno, palalakasin pa ang labor productivity at investments kasunod ng bumabang unemployment rate

Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na patuloy na kumikilos ang pamahalaan para i-angat ang kalidad ng pagtatrabaho sa Pilipinas, kasunod ng naitalang mas mababang unemployment rate para sa buwan ng Marso.

Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, upang patuloy na maitaas ang sweldo at mapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa, tinutugunan na ng pamahalaan ang mga isyu at balakid sa pagpapalakas ng labor productivity at paglikha ng high-quality jobs.

Maituturing umanong una at mahalagang hakbang kaugnay dito ay ang pagpasa ng Major Economic Liberalization Reforms, na magtataguyod ng ease of doing business upang makahikayat ng mas maraming investments.

Bukod dito, patuloy ding paiigtingin ang mga proyekto sa imprastraktura alinsunod sa Build Better More Program, at gayundin ang kolaborasyon sa mga ahensya ng gobyerno, training institutions, technology providers, at iba pang stakeholders para sa upskilling at reskilling sa digital technology sector.

Matatandaang sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumaba sa 4.7% ang unemployment rate sa bansa noong marso, mula sa 5.8% sa kaparehong buwan noong 2022. —sa ulat ni Harley Valbuena

About The Author