dzme1530.ph

Gobyerno, nawawalan ng P96-B kada taon dahil sa mga delayed Official Development Assistance Projects

Umaabot sa P96-B kada taon ang nawawala sa gobyerno dahil sa mga hindi pa rin nakukumpletong Official Development Assistance Projects.

Ito ang inihayag ni Senador Sherwin Gatchalian sa isinagawang pagdinig ng Congressional Oversight Committee on the Official Development Assistance.

Nilinaw ni Gatchalian na ang P96-B ay kumakatawan pa lamang sa foreign exchange currency adjustment dahil sa pagbagsak ng halaga ng piso sa mga nakalipas na taon.

Saklaw ng assessment ang loan-funded projects mula 2016 hanggang 2022.

Sa datos na iprinisinta ni Gatchalian, nasa 43% pa lamang ang delivery o compliance ng mga proyekto kahit natanggap na ang pondo para sa mga ito.

Puna ng senador ang pagtuloy na pagkuha ng gobyerno ng ODA subalit hindi naman agad nagagamit kaya’t patuloy din ang pagbabayad natin ng commitment fees at penalties.

Pinatunayan din ni House Deputy Speaker Gloria Arroyo ang delay sa mga proyekto na kadalasan ay bunsod ng red tape.

Partikular na tinukoy ni Arroyo ang matagal nang delayed na implementasyon ng Modernization Project ng Bureau of Customs na ayon sa National Economic Development Authority (NEDA) ay nabinbin dahil sa legal issues sa nanalong bidder. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author