dzme1530.ph

Gobyerno, nawalan ng hanggang P118.5B kita dahil sa ghost projects

Loading

Kinumpirma ni Finance Sec. Ralph Recto na dahil sa ghost projects, nawalan ang gobyerno ng P42.3 hanggang P118.5 bilyon mula 2023 hanggang 2025.

Sa briefing ng Development Budget Coordination Committee kaugnay ng 2026 National Expenditure Program, sinabi ni Recto na katumbas ito ng 95,000 hanggang 266,000 na trabaho na dapat ay napakinabangan ng mga Pilipino.

Kaya naman, kasabay ng pagkondena sa mga anomalya sa mga flood control projects, nagpahayag ng pagsuporta si Recto sa hakbang ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na tutukang mabuti ang paghimay sa 2026 national budget.

Dapat, aniyang matiyak na walang ghost projects, walang korapsyon, at walang masasayang na piso sa 2026 national budget.

Sa pagbalangkas anya ng national expenditure program, dalawang polisiya ang ipinatutupad ng ahensya.

Una, ang pagkalkula ng mabuti sa revenue target at pagdiin na ang paggastos ay hindi open bar na walang limit; at ikalawa, tiyaking maayos ang paggastos ng buwis ng gobyerno.

About The Author