dzme1530.ph

Gobyerno, nakatuon sa pagbibigay ng “world class serbisyong pangkalusugan” sa mga Pilipino

Asahan ang “world class serbisyong pangkalusugan” sa bawat Pilipino sa pamamagitan ng “Legacy Hospital” na itatayo sa bawat lalawigan ng bansa.

Ito ang tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez matapos pasinayaan ang 20 palapag na Bicol Regional Hospital and Medical Center Legacy Building sa Legazpi City.

Bilang lider ng Mababang Kapulungan, tungkulin nito na pondohan at ipatupad ang lahat ng utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magtayo ng mga proyekto na kailangan ng taumbayan.

Sinabi ni Romualdez na nais duplikahin ni Pres. Marcos, Jr. at dalahin sa mga probinsya ang mga hospital na ipinatayo ng kanyang ama gaya ng Philippine Heart Center, Lung Center, Kidney Center at iba pa.

Sinimulan na rin umano ang konstruksyon ng Philippine Cancer Center sa Quezon City, bilang karagdagan sa mga napapakinabangan nang specialty hospitals.

Alinsunod sa plano, ang mga doktor at nurses sa Philippine Cancer Center ay sasanayin bago sila ipadala sa mga itatayong regional specialty hospitals para gamutin ang mga may sakit at hindi na kailangan i-byahe pa sa Metro Manila.

About The Author