dzme1530.ph

Gobyerno, nagpasaklolo sa Interpol para matunton si dating Rep. Zaldy Co

Loading

Hiningi ng mga awtoridad ang tulong ng International Criminal Police Organization (Interpol) para matunton ang kinaroroonan ni dating Cong. Zaldy Co, na isinasangkot sa maanomalyang flood control projects.

Inamin ni Acting Justice Secretary Fredderick Vida na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung nasaan si Co, matapos umalis sa bansa noong Agosto.

Ginawa ni Vida ang pahayag kasunod ng mga tanong kung bakit nananatili sa abroad si Co, sa kabila ng iniimbestigahan ito dahil sa pagkakaugnay sa bilyon-bilyong pisong maanomalyang flood control projects sa Bicol at sa iba pang mga rehiyon.

Nilinaw naman ng opisyal na hindi maaaring kanselahin ang passport ng dating mambabatas, maliban na lamang kung ipag-uutos ng Regional Trial Court, bilang bahagi ng due process na ibinibigay sa lahat ng Pilipino.

About The Author