Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng ₱1.295-B para sa pagpapailaw sa mga paaralan na walang kuryente.
Inaprubahan ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang special allotment release order para sa pondong ibababa sa Department of Education.
Gagamitin ito sa funding requirements para sa pagkakabit ng kuryente sa mga paaralan, at sa modernisasyon ng electrical systems sa on-grid schools nationwide.
Gagamitin din ito sa pagbili ng transformers o sa pag-iinstall ng solar power.
Tiniyak ng DBM ang patuloy na pag-iinvest sa edukasyon para maging mas komportable ang mga mag-aaral at guro, tungo sa isang mas malinawag na kinabukasan sa ilalim ng Bagong Pilipinas.