dzme1530.ph

Gobyerno, naglaan ng bilyun-bilyong piso sa 2024 Budget para sa flood-control projects!

Naglaan ang pamahalaan ng bilyun-bilyong pisong pondo sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program, para sa mga proyekto sa pagkontrol sa mga baha.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na P215.643-B ang alokasyon para sa flood management program na flaship project ng Department of Public Works and Highways.

Samantala, naglaan din ang pamahalaan ng P1.397-B para sa Pampanga Integrated Disaster and Risk Resiliency Project, at P7.4-B sa Bulacan-Angat Water Transmission Project.

Makakatuwang ng gobyerno sa mga nasabing proyekto ang Export–Import Bank of Korea.

May nakalaan ding P1.3-B para sa flood-control projects ng Metropolitan Manila Development Authority.

Matatandaang binaha ang maraming lugar sa Metro Manila at buong bansa dahil sa habagat at magkakasunod na bagyo, na nagdulot ng walang tigil na pag-uulan sa mga nagdaang araw. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author