Nanawagan si Senate Committee on Ways and Means Chairman Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na agad nang aksyunan ang kanilang rekomendasyon na total ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operations sa bansa.
Ito ay kasunod ng panibagong raid sa offshore gaming operations compound sa Bamban, Tarlac na iniuugnay sa human trafficking at serious illegal detention.
Binigyang-diin ni Gatchalian na tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang kapakanan ng mamamayan at itaguyod ang integridad ng buong bansa.
Tinukoy ng mambabatas na ang nangyaring raid sa POGO hub sa Tarlac ay nagpapakita na may patuloy na banta sa industriya at sa ating lipunan.
Naninidigan ang senador na kailangang protektahan ng gobyerno ang kapakanan ng mga kababayan na napapariwara dahil sa masasamang gawain ng mga POGO.