dzme1530.ph

Gobyerno, may kabuuang ₱182.8B pang pondo para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta ng kalamidad

Loading

Kinumpirma ni Sen. Sherwin Gatchalian na mayroon pang kabuuang ₱182.8 bilyon ang gobyerno upang palakasin ang mga hakbang sa pagtugon at rehabilitasyon ng mga pinsalang dulot ng mga nagdaang kalamidad.

Batay sa datos mula sa opisina ng senador, kabilang sa 2025 national budget ang ₱7 bilyong balanse mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund, ₱6.4 bilyon mula sa Quick Response Fund, at ₱287 milyong pondo para sa Disaster Response Operations ng Office of Civil Defense.

Bukod dito, may natitirang ₱15 bilyon sa Local Government Support Fund, ₱12 bilyon sa Contingent Fund, at ₱141 bilyon sa Unprogrammed Appropriations sa ilalim ng Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social Programs.

Para naman sa 2026 national budget, layunin ni Gatchalian, bilang chairman ng Senate Committee on Finance, na dagdagan pa ang pondo para sa mga ahensyang nangunguna sa post-disaster reconstruction.

Kabilang dito ang muling pagpapatayo ng mga silid-aralan, pagsasaayos ng mga makasaysayang istruktura tulad ng mga lumang simbahan na nasira ng lindol, at pagbibigay ng pabahay sa mga nawalan ng tirahan.

About The Author