Maghahain ng mosyon ang gobyerno laban sa inilabas na cease and desist order ng Davao City Regional Trial Court, na nagpatanggal ng barikada ng mga Pulis sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.
Sa ambush interview sa Cavite, inihayag ni DILG Sec. Benhur Abalos na hihiling sila ng paglilinaw sa Korte kaugnay ng Temporary Protection Order.
Iginiit ni Abalos na kung tutuusin ay nakatutulong pa nga ang barikada upang protektahan ang buhay ng mga tao, kaya’t kung aalisin ito ay posibleng lalo pang magkagulo.
Bukod dito, nakalatag din umano ang lahat ng protocol sa operasyon kabilang ang hindi pagfe-face mask ng mga pulis at pagsusuot ng nameplate.
Kaugnay dito, sinabi ni Abalos na ihahain ang mosyon ngayong hapon at magsisilbing kanilang abogado ang Office of the Solicitor General. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News