![]()
Kumita ang pamahalaan ng record-high na mahigit 22 billion pesos sa mga taripa at buwis mula sa imported na karne noong nakaraang taon.
Sa report ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) ng House of Representatives, na-compute ang tariff at value added tax revenues mula sa meat importation simula 2023 hanggang 2025, gamit ang datos ng Bureau of Customs.
Ayon sa CPBRD, noong nakaraang taon ay nakakolekta ang pamahalaan ng 22.45 billion pesos na revenues mula sa imported meat products.
Mas mataas ito ng 30 percent kumpara sa 17.3 billion pesos na nakolekta noong 2024.
99.9 percent ng revenues ay mula sa tariffs habang ang natitira ay mula sa VAT.
