Inamin ni Finance Sec. Ralph Recto na kailangang mangutang ng gobyerno ng nasa P4.51 billion kada araw upang mapunan ang budget deficit ng bansa sa susunod na taon.
Sa pagtalakay sa panukalang 2026 budget ng Department of Finance, sinabi ni Recto na umaabot sa P18.61 billion ang average na gastusin ng bansa kada araw, habang P13.65 billion lamang ang nakokolektang buwis.
Ayon sa kalihim, sa kabuuang P6.79 trillion na panukalang budget para sa 2026, tanging P4.98 trillion lang ang inaasahang makokolekta mula sa Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs.
Ipinagmalaki rin ni Recto na sa nakalipas na tatlong taon, umabot sa 13.8 percent ang paglago ng tax collection at 11.5% naman kada taon ang average na expansion nito.
Dagdag pa niya, ang marching order para sa susunod na taon ay pataasin pa ang revenue collections ng 10.2%.