dzme1530.ph

Gobyerno, hinimok na unahin ang kapakanan ng 150k OFW sa Taiwan

Patuloy ang panawagan ni Senator Christopher ‘Bong’ Go sa gobyerno, partikular na sa Department of Migrant Workers (DMW) na masusing i-monitor ang development ng umiinit na tensyon sa pagitan ng Taiwan at China upang matiyak na mailalatag ang contingency measures para protektahan ang mga Pilipino sa lugar. 

Nangangamba si Go na posibleng malagay sa alanganin ang kabuhayan ng may 150,000 na Overseas Filipino Workers (OFW) sa Taiwan kaya’t dapat na ihanda ng gobyerno ang lahat ng suporta para sa kanila. 

Sinabi ng senador na kailangang iprayoridad ng gobyerno ang kapakanan at kaligtasan ng mga OFW na nagnanais lamang na masuportahan ang kanilang pamilya. 

Naniniwala naman ang mambabatas na gagawin nito ang mga nararapat na hakbangin para protektahan ang kapakanan ng mga OFW at ang interes ng bansa. 

Gayunman, nanawagan ito na sana ipatupad ang polisiya na friends to all, enemy to none na katulad anya ng ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. —sa ulat ni Dang Garcia

About The Author