dzme1530.ph

Gobyerno, hinimok na rebisahin ang national policy sa China

Wala nang katapusan ang kalupitan at kawalang-hiyaan ng China laban sa mga mangingisdang Pinoy.

Ito ang reaksyon ni Senador Risa Hontiveros sa inilagay na floating barrier ng China sa Bajo de Masinloc.

Ipinaalala ni Hontiveros na ang mga mangingisda ay kabilang sa pinakamahihirap na sektor sa bansa na nakadepende lamang sa karagatan para sa kanilang pagkain at kabuhayan.

Napakarami na rin anyang mga bahura sa West Philippine Sea ang sinira ng Tsina na mga likas-yaman na hindi na mapapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

Iginiit ni Hontiveros na hindi dapat tayo pumayag na patayin sa gutom ng Tsina ang mamamayan.

Tiwala naman ang senadora na aalalayan ng Philippine Coast Guard ang mga mangingisda para ligtas silang makadaan sa floating barriers.

Muli ring nanawagan ang mambabatas sa kasalukuyang administrayon na suriin na ang national policy natin pagdating sa Tsina. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author