dzme1530.ph

Gobyerno, hinimok na manatiling kalmado sa gitna ng panibagong pambubuyo ng China

Hinimok ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang gobyerno na manatiling kalmado sa kabila ng panibagong pambubuyo ng China at pang-aagaw pa ng suplay para sa tropa ng pamahalaan sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Escudero na umaasa siyang maidaraan pa rin sa dayalogo at mapayapang pag-uusap ang usapin sa West Philippine Sea upang hindi humantong sa giyera.

Umaasa rin ang senador na huhupa na rin ang tensyon sa West Philippine Sea at magkakaroon ng pagkakaunawaan sa isyu.

Nananatili rin anyang opsyon ng gobyerno ang paghahain ng protest kasabay ng paghikayat na talakayin ang usapin sa ASEAN regional organization dahil ito ang nakakasaklaw sa ating bansa.

Hindi anya kilalang political na asosasyon ang ASEAN subalit forum pa rin ito para mapag-usapan anumang nagaganap sa parteng ito ng ating mundo dito sa ating rehiyon.

About The Author