Hinimok ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang administrasyong Marcos na makipag-ugnayan sa pribadong sektor hinggil sa pagtugon ng mga isyu sa agrikultura.
Sinabi ni PCCI President George Barcelon, sa sidelines ng ASEAN Business and Investment Summit sa Jakarta, Indonesia, na nababahala ang kanilang korporasyon sa kasalukuyang sitwasyon ng bigas sa bansa.
Binigyang-diin pa ni Barcelon ang pangangailangan na matulungan ang mga lokal na magsasaka na hindi lamang maabot ang food security kundi maging isa ring entrepreneur.
Kaya aniya, mahalaga na ma-upgrade ang mga magsasaka at teknolohiya sa pamamagitan ng pagpi-finance at pagpabubuti ng imprastruktura, gaya ng irigasyon, farm-to-market road, at digitalization. –sa panulat ni Airiam Sancho