dzme1530.ph

Gobyerno, hinimok na magpatupad ng mas episyenteng paraan ng pamamahagi ng ayuda

Inirekomenda ni Sen. Alan Peter Cayetano ang mas episyenteng pamamaraan sa pamamahagi ng ayuda ng gobyerno.

Ipinaliwanag ni Cayetano na kadalasan, nagagamit pa sa pagbabayad sa mga namamahala sa distribusyon ng ayuda ang pondong maaari namang gamitin sa pantulong sa publiko.

Sa kalkulasyon ng senador, sa kabuuang ₱590 billion na alokasyon para sa ayuda programs sa taong 2025, maaari nang mabigyan ng tig- ₱20,000 na tulong ang bawat mahihirap na pamilya sa bansa.

Subalit, ang kabuuang halaga anya ay hindi naman umaabot sa maximum number ng pamilya dahil sa administrative costs.

Ipinaliwanag ni Cayetano na kadalasan ang admin cost ay nasa 20% hanggang 30%.

Nilinaw naman ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na sa 4Ps oo Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ang administration costs ay 2%; habang sa social pension para sa indigent citizens ay 1.5%; at sa AICS ay 2%.

Subalit giit ni Cayetano na hindi pa kasama rito ang sahod at recurring costs sa ayuda distribution.

Hinimok ng senador ang finance managers na i-evaluate ang lahat ng uri ng tulong na dapat maging targeted at ang iba pa na dapat ay direktang ibinibigay sa mga benepisyaryo.

About The Author