dzme1530.ph

Gobyerno, hinimok na maging maparaan sa pagbibigay solusyon sa problema sa kakulangan ng mga silid-aralan

Loading

Hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang gobyerno na maging maparaan at maagap sa pagtugon sa problema sa kakulangan ng mga silid-aralan.

Sinabi ni Gatchalian na ang pagresolba sa problema sa classroom shortage ay nangangailangan ng iba’t ibang solusyon.

Isa aniya sa epektibong istratehiya ay ang pagpapatupad ng counterpart program kung saan ang lokal na pamahalaan at national government ay magtutulungan sa mga gastusin sa konstruksyon ng bagong classrooms.

Binigyang-diin pa ni Gatchalian na dapat palakasin ang public-private partnerships at Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) upang masolusyunan ang congestion sa public schools.

Dapat aniyang tiyakin na ang bawat mag-aaral ay may maayos, ligtas, at angkop na espasyong pang-edukasyon.

About The Author