dzme1530.ph

Gobyerno, hinimok na gawan nang paraan na mabawi ang NGCP

Hinimok ni Senador JV Ejercito ang gobyerno na pag-aralan ang lahat ng paraan upang mabawi na ang pag-aari sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon kay Ejercito, nakakabahala na ang mayorya ng share ng NGCP na nangangasiwa sa suplay ng kuryente sa bansa ay nasa kontrol ng China.

Binigyang-diin ng senador na para sa kanya ang mga major utilities ng bansa na may kinalaman sa national security ay kailangang tiyaking nasa kontrol ng gobyerno o ng Filipino company.

Ito ay upang matiyak na hindi masasabotahe ang anumang operasyon ng bansa at hindi nangangamba sa anumang panganib.

Muli ring iginiit ni Ejercito na dapat pag-aralang mabuti ang operasyon ng NGCP at busisiin ang kita nito dahil sa hindi pagdaragdag ng mga sapat na pasilidad para sa mas maayos na serbisyo. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author