![]()
Umapela si Sen. Christopher “Bong” Go sa gobyerno na gamitin ang lahat ng resources nito upang agad na maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga sinalanta ng bagyong Tino sa Cebu.
Ito ay makaraang personal nitong masaksihan ang sitwasyon sa lalawigan na labis aniyang nakakapanlumo.
Sinabi ni Go na dapat gamitin ng pamahalaan ang pondo ng bayan sa mga proyektong tunay na may pakinabang, sa halip na lustayin sa mga substandard at ghost flood control projects.
Binigyang-diin ng senador na kumpara sa pinsala ng lindol, mas nakakapanlumo ang sitwasyon ngayon ng mga tinamaan ng bagyo.
