dzme1530.ph

Gobyerno, hinimok na bilisan ang pagkilos para matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Israel

Hinimok nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senate Majority Leader Joel Villanueva ang gobyerno na gawin ang lahat para sa kapakanan at kaligtasan ng mga Pilipino sa Israel.

Kasabay ito ng kanilang pagkondena sa mga teroristang Hamas na naghasik ng karahasan sa Israel.

Sinabi ng mga senador na walang puwang sa lipunan ang anumang karahasang nambibiktima ng mga inosenteng sibilyan.

Partikular ding pinakikilos ng mga mambabatas ang Department of Migrant Workers, Department of Foreign Affairs at mga embahada ng bansa upang mapangalagaan ang mga Pinoy.

Nanawagan din si Zubiri sa mga awtoridad na gamitin ng buo ang Assistance to Nationals Fund para sa layunin nito.

Habang si Villanueva ay nanawagan ng dagdag na dasal para sa kapayapaan sa Israel. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author