Hinimok ni Sen. Ramon Revilla Jr. ang gobyerno na regular na alamin ang pangangailangan ng mga pamilyang nasalanta ng mga kalamidad.
Iginiit ng senador na ang pagtulong sa mga biktima ng bagyo, sunog o iba pang kalamidad ay hindi natatapos sa pagbibigay ng relief goods.
Ito ang pangunahing dahilan kaya’t binalikan ng mambabatas ang mga residente sa Dasmariñas City, Cavite upang kamustahin at alamin ang kanilang pangangailangan para mas makatulong sa kanila.
Nagbalik-tanaw din si Revilla sa samahan nila ng namayapang kaibigan na si Cong. Pidi Barzaga sa pagsusulong ng mga proyekto para sa lungsod.
Namahagi rin muli ng tulong ang senador sa mga residente ng lungsod kasabay ng pangakong ipagpapatuloy ang pag-ayuda sa kanila.
Nagpahatid din si Revilla ng tulong sa mga sa lalawigan ng Oriental Mindoro na tinamaan din ng mga nakalipas na bagyo. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News