dzme1530.ph

Gobyerno, hinimok gamitin ang lahat ng diplomatic channel laban sa pambubully ng China

Hinikayat ni Senate Committee on National Defense and Security Chairman Jinggoy Estrada ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno na isulong ang lahat ng ligal at diplomatikong pamamaraan para matugunan ang isyu ng patuloy na pambubully ng China sa Pilipinas.

Ito ay may kaugnayan sa panibagong insidente ng pambubully ng barko ng Chinese Coast Guard at militia sa dalawang barko ng Philippine Coast Guard na kakatapos lamang sa isang resupply mission.

Iginiit ng senador na dapat gamitin ng gobyerno ang lahat ng diplomatic channels upang maigiit ang ating pagkondena sa agresibong aksyon ng China laban sa Pilipinas.

Aminado si Estrada na nakababahala ang mga napaulat na “acts of aggression” laban sa PCG dahil nilalabag nito ang soberenya, territorial integrity, kaligtasan, at seguridad ng mga maritime forces.

Ang paulit-ulit anyang pambubully ng China sa ating mga kababayan ay hindi katanggap-tanggap at lumalabag sa international laws at kaugalian. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author