dzme1530.ph

Gobyerno, hinikayat na makipagpartner sa Landbank at DBP sa pagtugon sa kakapusan ng pampublikong sasakyan

Dapat makipagtulungan ang Department of Transportation (DOTr) sa Land Bank of the Philippines at sa Development Bank of the Philippines (DBP) para sa procurement ng mga modern PUVs na maaari nilang ipa-lease sa consolidated transport cooperatives.

Ito ang iginiit ni Senador Risa Hontiveros upang masolusyunan ang inaasang transport shortage sa gitna ng implementaston ng PUV Modernization Program.

Iginiit ni Hontiveros na ang dahil sa malaking problema ang kakapusan ng pampublikong sasakyan, dapat nang magpasaklolo ang DOTr sa Landbank at DBP, kasama ang mga asset management entities nila, para gawin munang lease contracts ang amortization contracts sa mga transport cooperatives na hanggang ngayon, ‘di alam kung kakayanin ba ang modernization program.

Iginiit ng senador na dapat gamitin ng ahensya ang kanilang 2024 at 2025 subsidy budgets para sa pagbili ng PUVs na gagamitin sa pagpapaupa sa mga kooperatiba na kinalaunan ay maaari ring gawing lease-to-own arranngement sa gobyerno.

Ipinaalala din ng mambabatas na dapat maging malinaw ang lahat ng ruta upang mas maging maayos ang implementasyon ng programa.

About The Author