dzme1530.ph

GOBYERNO, DAPAT MAY RECOVERY PLAN SA MGA OFW NA NAUDLOT ANG EMPLOYMENT DAHIL SA TENSYON SA MIDDLE EAST

Loading

NANAWAGAN si Senate Committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na maglatag ng recovery plan para sa mga Pilipinong nakatakda sanang lumipad patungong Middle East upang magtrabaho ngunit naudlot dahil sa paglala ng tensyon sa rehiyon.

Sinabi ni Tulfo na karamihan sa mga ito ay mula pa sa probinsya at gumastos na para sa mga requirements sa pagbabakasakali na makakuha ng maayos na oportunidad sa Middle East.

Binanggit ng senador ang karanasan ng ilang first-time OFWs na naabala at naapektuhan ng airstrikes sa Middle East para sa kanilang nakatakdang trabaho sa ibang bansa.

Ayon sa mga OFW na patungo sana sa Middle East, wala pang inilalabas na abiso ang mga ahensya ng pamahalaan upang tugunan ang kanilang sitwasyon, at wala pa ring malinaw na plano ang kani-kanilang recruitment agencies hinggil sa kanilang deployment.

Bilang sponsor ng budget ng DMW at OWWA para sa 2026, iminungkahi ni Tulfo ang paggamit ng P2 bilyong Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFWs na Nangangailangan o AKSYON Fund upang makapagbigay ng tulong sa mga apektadong OFW.

About The Author