Inirekomenda ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagbuo ng Agriculture Information System (AIS) upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa pamilihan.
Sinabi ni Gatchalian na sa pamamagitan ng AIS ay maiiwasan ang artipisyal na kakulangan ng mga agricultural supply na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga produkto.
Kaya naman makakatulong ito sa mga magsasaka na mapataas ang kanilang productivity.
Umaasa ang senador na susuportahan ng kanyang mga kasamahan ang kanyang Senate Bill No. 1374, na naglalayong magtatag ng AIS na magbibigay-daan sa mga magsasaka na mahanap ang kanilang merkado at maibenta ang kanilang mga produkto kung saan malaki ang demand.
Oras na maisabatas, inaasahang matitiyak na ang sistema hindi lamang ang kakayahang kumita ng mga magsasaka kundi maging ang sapat ng suplay ng pagkain sa mga pamilihan.
Sa ilalim ng panukala, titiyakin na ang mga suplay ng agricultural products ay naihahatid sa mga lugar kung saan may demand nang sa gayon ay maiwasan ang mga artificial shortage na siyang nagtutulak sa presyo pataas. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News