dzme1530.ph

Gobyerno at pribadong sektor, magsasanib-pwersa para sa pagpapalakas ng e-vehicle industry ng bansa

Magsasanib-pwersa ang gobyerno at ang pribadong sektor para sa pagpapalakas ng electric vehicle (EV) industry sa Pilipinas.

Sa pakikipagpulong sa Malakanyang sa job sector group ng Private Sector Advisory Council (PSAC), inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang Pilipinas ay naging bahagi na ngayon ng global chain ng e-vehicles dahil sa potensyal nito sa industriya.

Sa kabila nito, aminado ang pangulo na maaaring maging hamon sa e-vehicles ang demand sa source ng green energy sa bansa.

Kaugnay dito, tiniyak ng PSAC na magsasagawa sila ng malalim na pag-aaral upang makapaglatag ng maayos na plano sa Pangulo.

Kanila ring ini-rekomenda ang paglulunsad ng data-driven case studies sa EV value chain, at ang pag-aaral sa 17 downstream at upstream industry development opportunities kabilang ang pagpapalakas sa pagmimina ng mga mineral na ginagamit sa e-vehicles tulad ng copper. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author