Nakiisa si Sen. Lito Lapid sa panawagan sa gobyerno at sa international community na tiyakin ang kaligtasan at agarang pagpapalaya sa mga Pilipinong marino na bihag pa rin ng Houthi rebels sa Red Sea.
Ayon kay Lapid, kailangan ng suporta at aksyon mula sa mga internasyonal na awtoridad para sa mga crew ng MV Eternity C, isang Greek-owned cargo vessel.
Nanawagan din ang senador sa mga ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng mapayapang negosasyon upang mapauwi ang mga marino at maibsan ang pag-aalala ng kanilang pamilya.
Hinimok rin niya ang publiko na ipagdasal ang kaligtasan ng mga bihag na patuloy na hawak ng mga teroristang Houthi.