dzme1530.ph

Gobyerno at ekonomiya, business as usual sa kabila ng matinding bangayan sa pulitika

Hindi nagpapatinag ang economic managers ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kasalukuyang matinding bangayan sa pulitika.

Sa inilabas na pahayag, sinabing business as usual ang gobyerno, at titiyakin nilang ang pagsulong ng ekonomiya ay hindi maaapektuhan ng mga hamon sa pulitika.

Ilang beses na rin umanong napatunayan ng Philippine economy ang tibay o resilience sa harap ng domestic at external challenges, kabilang ang mga kalamidad at sakuna, geopolitical risks, mga tensyon sa eleksyon, global o regional financial crisis, supply chain gaps, cybercriminal activities, at iba pang suliranin.

Welcome din sa economic managers ang positive A- credit rating ng Pilipinas sa S&P Global Ratings.

Ang economic managers ay binubuo nina Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, Finance Sec. ralph recto, Budget Sec. Amenah Pangandaman, at NEDA Sec. Arsenio Balisacan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author