![]()
Habang patuloy na itinataguyod ng pamahalaan ang Digital Philippines agenda, pinagtibay ng Globe ang pundasyon ng digital na imprastruktura sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalawak ng network, modernisasyon ng serbisyo, at mas inklusibong akses para sa mga negosyo at mamamayan.
Ipinakikita ng third-quarter 2025 results ng kumpanya ang paglago ng kanilang serbisyo, na sumasalamin sa mas mataas na pangangailangan para sa mas mabilis at maaasahang konektividad sa digital era.
Tumaas ng 13% quarter-on-quarter ang Corporate Data revenues ng Globe, na dulot ng lumalaking demand sa connectivity, cybersecurity, Internet of Things (IoT), at data center solutions. Ang mga ito ay itinuturing na pangunahing batayan ng pag-unlad ng digital economy sa bansa.
Kasama sa hakbang ng kompanya ang ST Telemedia Global Data Centres (Philippines), isang joint venture ng Globe, STT GDC, at Ayala Corporation, na naglunsad ng kanilang unang data center sa STT Fairview 1.
Sinundan ito ng operasyon ng Cavite 2 site, na nagdadagdag ng kapasidad para sa hyperscale, AI, at enterprise workloads, na sumusuporta sa mabilis na pagdami ng digital needs sa bansa.
Sa kabuuan, ipinapakita ng mga hakbang na ito ang patuloy na pagsusumikap ng telecommunication sector na mapalakas ang digital na kakayahan ng bansa, kasabay ng paghubog ng mas modernong ekonomiya at serbisyo para sa publiko.
