![]()
Upang mapalakas ang proteksyon laban sa cyber threats, inilunsad ng Globe at Technological Institute of the Philippines (T.I.P.) ang Digital Thumbprint Ambassador Program, isang extension ng award-winning Digital Thumbprint Program ng Globe.
Layunin nitong bigyan ng kaalaman at kasanayan ang mga estudyante na maging tagapagsulong ng responsableng digital citizenship.
Sa ilalim ng programa, pipiliin at sasanayin ang mga estudyante ng T.I.P. bilang ambassadors at trainers na magtuturo sa kanilang mga kapwa estudyante at kikilos bilang kinatawan ng paaralan sa mga cyber wellness events. Makakakuha rin sila ng access sa internships, mentorship, at learning tools upang maisakatuparan ang kanilang mga community project.
Ayon kay Yoly Crisanto, Globe Group Chief Sustainability and Corporate Communications Officer, layunin ng programa na bigyan ang mga estudyante ng kaalaman at kumpiyansa upang maprotektahan ang sarili at ang iba sa online world at maisulong ang mas ligtas at maayos na digital community.
Sinabi naman ni Dr. Frank D. Alejandrino, Vice President for Student Affairs and Services ng T.I.P., na nakikita nila ang programa bilang paraan upang mapalakas ang papel ng estudyante sa lipunan, hindi lamang sa akademiko kundi pati sa digital literacy at proteksyon laban sa online risks.
Sa kasalukuyan, naabot na ng Digital Thumbprint Program ng Globe ang halos 2 milyong estudyante at nakapagbigay ng pagsasanay sa 115,000, habang sa 2025, mahigit 21,000 estudyante at guro ang nakibahagi sa iba’t ibang learning sessions sa buong bansa.
