Pinalakas ng Globe ang commitment nitong hubugin ang susunod na henerasyon ng mga innovator sa pamamagitan ng malakihang pagtitipon ng mga estudyante, guro at industry leader sa Innovania 2025: The Builder’s Blueprint – Student Discovery.
Idinaos nang sabay-sabay sa Luzon, Visayas at Mindanao, nagbigay ang event ng pambansang plataporma para maipakita ng STEM learners ang kanilang malikhaing ideya at solusyon.
Nakatuon ang programa sa Electronics and Communications Engineering (ECE) at Computer Engineering students, na inilapit sa mga makabagong teknolohiya tulad ng 5G, Internet of Things (IoT) at gamification. Ayon kay Globe Chief Marketing Officer Roche Vandenberghe, ang pagbibigay ng espasyo para sa mga ideya ng kabataan ay “isang pamumuhunan para sa susunod na henerasyon ng technology leaders ng bansa.”
Higit 100 estudyante mula sa 19 unibersidad at organisasyon ang lumahok sa two-day event. Tampok dito ang Ideathon, kung saan nagpresenta ang mga koponan ng real-world solutions sa iba’t ibang hamon. Ang mga nanalo ay tumanggap ng Cubikit at mentorship mula sa Cubicore para higit pang paunlarin ang kanilang proyekto.
Kasama rin sa programa ang pagpapakilala sa Student Program ng Globe na nag-aalok ng internships, volunteer work, at guided tours sa mga opisina at data centers ng kompanya.
Pinuri ni Cubicore Co-Founder Carl Rowan ang inisyatiba, na aniya ay mahalagang hakbang upang mahikayat ang mga estudyante na mag-innovate gamit ang IoT solutions na sila mismo ang bumuo.
Sa IoT Ideathon, nangibabaw ang mga proyekto ng student innovators. Naging kampyon ang team mula De La Salle University – Google Developer Group, na nagsabing patunay ito ng talento ng tech community sa bansa.
Para naman sa PUP-REC Manila team, ang pagkapanalo ay higit pa sa parangal—isang pagkakataon upang makapaglingkod at maisakatuparan ang kanilang adhikain
Samantala, pinarangalan din ang UST Computer Science Society ng Model Community Award, na kanilang itinuring na isang hindi malilimutang karanasan at simula ng mas malalaking oportunidad.